Mahal naming Tagapagbasa:
Malugod namin kayong tinatanggap dito sa ating "on-line Bible Study" ng iglesya ng Seventh-day Adventist sa Southern Asia-Pacific Division. Sa mga gumugulong katanungan sa inyong buhay, naririto ang website na makatutulong sa inyo.
Nabubuhay tayo ngayon sa magulong daigdig ng kadiliman, pilit na naghahanap ng katugunan sa mga hiwaga ng buhay. Sa iba, ang libingan ang huling hantungan. At sa iba namang hindi makatagpo ng kasiya-siyang katugunan ay nagpapakamatay, pumapatay, naiinggit o nagnanakaw--at ano pa't hindi makasundo ang kapwa ni ang kanilang sarili.
Mayroon bang wakas o kahihinatnan ang lahat ng ito? Mayroon bang pag-asa, kapayapaan o kaligtasan para sa atin?
Ang kaligtasan ba ay resulta ng pagiging malaya mula sa paghihirap o karanasang maipagkaloob ng walang bayad mula sa pinakamapagmahal, pinakamakapangyarihan at kamangha-manghang Tagapagligtas ng sandaigdigan na si Jesu Cristo?
Matatagpuan niyo ang mga wastong katugunan at ang matiwasay na prinsipyo ng buhay sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga leksiyon na inihanda rito. Makapipili kayo sa mga isinaling wika.
Kung mayroon po kayong katanungan, ipagbigay alam lang po sa amin. Malugod namin kayong tutulungan.
Sa simula ng pag-aaral, hilingin natin sa Panginoon na tayo'y patnubayan at bigyan ng pang-unawa at kaalaman.
Ang pagpapala nawa ng Dios ang sumainyo.
Magsaliksik tayo!
Ang inyong kaibigan kay Jesus,
Hendrik Sumendap
|